This is actually an original blog entry from my Multiply Account. :)
(and in fairness, first ko atang entry dito na halos puro Tagalog, hehe)
--
(naisip ko ito habang tinatahak ng bus na sinasakyan ko ang kahabaan ng SLEX Hi-way)
--
Bakit mahirap umasa?
Dahil ba alam mong walang mararating ang pag-asam mo sa isang bagay?
O sadyang tanggap mo na hindi kailanman mapagbibigyan ang tangi mong hiling?
Hindi naman sa pagiging negatibo.
Pero, diba, pag alam mo namang hindi mapupunta sa'yo, bakit mo pa ipagpipilitan?
Kung alam mong hindi siya talaga para sa'yo, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo?
DI pa ba sapat ang iparamdam sa'yo na di ka kailangan?
Hindi masama mangarap, kung alam mong may patutunguhan ang pangarap mo.
Masakit ang umasa kung sa una palang, talo ka na.
Mas masakit kung nasa rurok ka na ng munti mong mga panaginip, para lang masilayan mo ang pagtulak sa'yo pabalik sa realidad.
Totoo naman kasi. If it's not meant for you, then it will never be.
Kaya ako, ayoko umasa. Ni isipin man lang na may pagkakataon, di ko magawa.
Alam ko namang walang kahahantungan ang gagawin ko.
Kung ano man ang gagawin ko, sa'kin na yun..
'The heart is indeed fragile. Once broken, it takes time to put back the pieces, but it can never be whole again.'
--
Di ako brokenhearted. Di ako heartbroken. Kung anumang tama sa dalawa.
Naisip ko lang bigla. Di kasi ako makatulog sa biyahe, masyadong malakas ang ihip ng hangin.
2 comments:
sino ba yan? haha
haha.
wala 'no.
naisip ko lang siya bigla.
kasasabi lang na di brokenhearted/heartbroken.
haha! :D
Post a Comment